in

Magpakilig sa ‘Harana from the Heart’ ng Kapuso Network!

Dahil Kapuso Month ngayong Pebrero, mayroong ‘Harana from the Heart’ ang GMA para sa mga gustong maghatid ng saya at kilig sa kanilang mga minamahal.

Ito na ang chance para mabigyan ng magandang sorpresa ang inyong special someone! Magcomment lang sa Facebook post ng GMA Network patungkol sa ‘Harana from the Heart’ at sagutin ang tanong na “what makes your special someone truly special?” Dapat nakakakilig, touching, at unique ang sagot ha!

Malay ninyo, mapili ang inyong entry at may chance na haranahin ng talented Kapuso singers ang inyong special someone!   

Sa ilalim ng temang ‘#pUSoTOGETHER,’ pangako ng GMA na maghatid ng pag-asa at pagmamahal sa lahat ng Kapuso viewers sa kabuuan ng Pebrero sa pamamagitan ng iba’t ibang kapanapanabik na programa. Pakatutukan ‘yan, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jake Cuenca at Ria Atayde, magpapakilig sa unang handog ng ‘MMK’ ngayong Buwan Ng Pag-Ibig

‘Di matinag-tinag… ‘KMJS,’ #1 pa rin!