in

Jake Cuenca at Ria Atayde, magpapakilig sa unang handog ng ‘MMK’ ngayong Buwan Ng Pag-Ibig

Patutunayan nina Jake Cuenca at Ria Atayde na sila ay para sa isa’t isa sa harap ng matinding hamon, kasama na ang pagdududa ng sariling pamilya, sa unang espesyal na handog ng MMK ngayong buwan ng pag-ibig, this Saturday (February 6).

Hinahangaan si Janice (Ria Atayde) ng marami dahil sa kanyang ganda at masiyahing pagkatao pero wala itong panahon para sa pag-ibig dahil mas importante para dito ang kanyang maliit na negosyo. Magbabago ang lahat nang kanyang makilala si Eddie (Jake Cuenca), na magiging masugid niyang manliligawa. Hindi rin magtatagal ang masayang pagsasama nila nang makilala ni Janice ang ina ni Eddie na si Corsing (Malou de Guzman).

Pagdududahan ni Corsing si Janice dahil para dito, iiwan lang ng dalaga ang paborito nyang anak na si Eddie. Para kay Corsing, isang paalaa si Janice ng isang mapait na nakaraan.

Hindi pa rin makukumbinse si Corsing sa pagmamahalan ng dalawa kahit na ikasal ang mga ito. Magiging sanhi ang mga pagdududa ni Corsing ng maraming away ng mag-asawa.

Pero gagawin ni Janice ang lahat para patunayan kay Corsing ang pagmamahal kay Eddie. Kaya nang makasakit ang mismong asawa ni Corsing, si Janice lamang ang kanyang magiging karamay.

Magbabago pa kaya ang pagtingin ni Corsing kay Janice?

Sundan ang mga kwento ng pa-ibig mula sa “MMK” tuwing Sabado, 8:45 PM ngayong Pebrero sa A2Z sa free TV at digital TV boxes tulad ng TVplus. I-scan lamang ang digital TV box para hanapin ang A2Z channel sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood rin ito tuwing Sabado, 9 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at sa karamihang channels na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association) at digital TV boxes. Sa online, ito ay nasa Kapamilya Online Live YouTube channel at sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, pati na rin sa TFC, iWant app o iwanttfc.com. Maaaring para naman sa manonood sa ibang bansa, masusundan ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Prima Donnas,’ winner na sa ratings, patok pa online!

Magpakilig sa ‘Harana from the Heart’ ng Kapuso Network!