in

Royce Cabrera, abala sa kabi-kabilang proyekto

Maraming dapat abangan ang fans ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera mula sa aktor.

Malapit na kasi siyang mapanood sa third installment ng GMA Public Affairs fantasy romance-anthology series na My Fantastic Pag-ibig katambal ni Ella Cristofani at sa TV adaptation ng ’80s classic film na Nagbabagang Luha kung saan makakasama naman niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Mayroon din siyang kabi-kabilang guestings sa iba’t ibang Kapuso shows.

Samantala, graduate pala ng Bachelor of Science in Construction Engineering and Management sa Mapua University si Royce kaya naman ibinahagi niyang pangarap niyang magkaroon ng isang construction business.

“Kasi minsan kapag may tinatayo ring mga bahay, kunwari mga friends ko, or ito sa bahay, nagtatanong sila Mama, nababalik-tanaw ko ‘yung mga pinag-aralan ko. Nakaka-miss rin kasi gusto ko rin ‘yung course na inaral ko, e. So, baka, baka, ‘pag nakapag-ipon tayo ng malaki-laki. Baka ‘yung business na i-invest ko, malapit sa tinapos ko para hindi na lumayo,” kuwento niya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Regine Velasquez, handa nang bumirit para sa Valentine’s concert na ‘Freedom’

Ika-4 na Grand Champion ng ‘Tawag Ng Tanghalan’ sa ‘It’s Showtime,’ pipiliin na ng madlang people at mga hurado