in

Lovi Poe at Benjamin Alves, malapit nang magpakilig sa ‘Owe My Love’

Ilang tulog na lang at love month na! Papalapit na rin ang pagsisimula ng bagong kakikiligang GMA Public Affairs rom-com series na Owe My Love tampok ang tambalang #SenMig nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Gaganap bilang sina Pacencia “Sensen” Guipit at Doc Migs Alcancia sina Lovi at Benjamin. Bukod sa kilig ay marami rin daw matutunan sa upcoming GMA Telebabad series na ito pagdating sa pag-handle ng pera at financial literacy.

Kabilang din sa mga aabangan sa Kapuso rom-com series na ito ang tandem nina Jon Gutierrez at Jelai Andres at sina Kiray Celis at Buboy Villar. Siguradong tutukan din ang laugh trip na duo ng ‘utang-in-tandem’ na sina Divine Tetay at Terry Gian.

Mapapanuod na ang Owe My Love sa GMA Telebabad ngayong February 15!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim de Leon kay Lexi Gonzales: I love working with her

Ruru Madrid at Shaira Diaz, dagdag kilig sa ‘The Lost Recipe!’