in

John Rendez, isang superhero sa puso sa bagong single na ‘Not Superman’

Ipapahatid ng singer-rapper na si John Rendez ang mensahe ng pagiging isang superhero sa puso sa upcoming single niya mula sa Star Music na “Not Superman,” na mapapakinggan na simula sa Biyernes (January 29).

Kinompose at pinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang alternative pop track na inilalarawan ang mga ala-superherong pagsisikap ng mga tao na makatulong sa kanilang kapwa sa kabila ng maraming limitasyon.

Bida sa kanta ang baritone na boses at rapping skills ng Star Music artist na kaiba sa tema at tunog ng single niyang “Think About It” na inilabas noong 2019.

2019 din nang manalo siya ng PMPC Star Award for Folk/Country Recording of the Year para sa debut single niyang “Star All Over Again” na isinulat at ipinrodyus din ni Jonathan sa ilalim ng Star Music.

Bukod sa pagiging music artist, isa ring aktor si John na lumabas na sa mga pelikulang “Sindak” (1999), “Madaling Mamatay, Mahirap Mabuhay” (1996), at “Whistleblower” (2016), kung saan nakasama niya ang malapit na kaibigan at manager, ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Pakinggan ang “Not Superman” ni John simula ngayong Biyernes (January 29) sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Abangan din ang official music video nito sa February 1 (Lunes) sa Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MiKel, nakakakilig: ‘The Lost Recipe,’ highest rating show ng GMA News TV ngayong taon!

Katotohanan sa pagkatao nina Heaven Peralejo at Barbie Imperial, nabunyag na sa ‘Bagong Umaga’