in

Willie Revillame, pasabog ang birthday papremyo

Bongga ang mga inihandang papremyo ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa kaniyang ika-60th birthday celebration sa Miyerkules, Enero 27.

Mamimigay siya ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot bilang pasasalamat sa lahat ng Kapuso viewers na patuloy na tumatangkilik sa kaniyang programa. 

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang ‘Pera o Kahon Text Promo’ noong January 15. Simple lang ang mechanics para sa mga gusto sumali rito. Mag-register lang ng isang beses via text. Pagkatapos mag-register, maaari nang magpadala ng pagbati para kay Kuya Wil sa 8933. Ang bawat birthday greeting ay katumbas ng isang entry para sa electronic raffle na gaganapin sa mismong kaarawan niya.

Ang ‘Pera o Kahon Text Promo’ ay magtatapos sa January 27. Huwag nang magpahuli at sumali na!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jane de Leon at Geoff Eigenmann, magkasamang tutugisin si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Bagong Boys’ Love tandem, magpapakilig sa Thai series na ‘A Tale of Thousand Stars’ sa iWantTFC