in

‘Happy Hour Favorites’ line-up ng GMA News TV simula Lunes na!

Simula ngayong Lunes (Jan. 18), 5:45 pm, mapapanuod na sa mas maagang oras ang ilan sa ating paboritong GMA News TV programs sa pamamagitan ng “Happy Hour Favorites.”

Maganda ang pasok ng Lunes sa nakaka-good vibes na “Good News” kasama si Vicky Morales.

Mae-engganyo pa lalo ang mga manunuod na tikman ang pagkaing Pinoy sa “Pinas Sirap” hosted by Kara David pagdating ng Martes.

Tuwing Miyerkules, ibabahagi ni Susan Enriquez ang ilang tips para makatipid at magkaroon ng new business ideas sa “Pera Paraan.”

Maging ‘in’ naman sa latest trends at bagong usap-usapan kasama ang Global Endorser na si Gabbi Garcia sa “IRL” tuwing Huwebes.

At samahan si Drew Arellano to travel in the new normal sa “Biyahe ni Drew” pagdating ng Biyernes.

Kapag 5:45 p.m. na, ‘happy hour’ na nga kasama ang ating mga paboritong programa, Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kundisyon na! Shaira Diaz, ready na sa fight scenes niya sa ‘Lolong!’

Kuya, may dalawang bagong housemates sa ‘PBB Connect’