Bagong simula at bagong pag-ibig ang ibibidang mga kwento ng iWantTFC, ang tinaguriang “home of Filipino stories,” sa unang dalawang buwan ng 2021, kabilang na ang nakakakilig na mga seryeng pagbibidahan nina Jerry Yan, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Ronnie Alonte, at Loisa Andalio.
Hatid ng iWantTFC para sa Pinoy boys’ love fans ang bagong kakikiligang Thai series na “A Tale of Thousand Stars” tampok sina Earth Pirapat at Mix Sahaphap na ipapalabas kasabay ng Thailand airing nito simula Enero 29.
Ngayong Enero 27, mapapanood na rin ng iWantTFC subscribers ang critically acclaimed movie na “Quezon’s Game” tungkol sa pagsagip ni dating Pres. Manuel L. Quezon sa 1,300 na Jewish survivors mula sa Holocaust.
Sa Enero 18, libreng masusubaybayan sa iWantTFC ang pagsisimula ng original romcom series na “Hoy, Love You” tampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo-Yap at Joross Gamboa. Mapapanood na rin ang pagtatapos ng “La Vida Lena” ni Erich Gonzales at “The House Arrest of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bago matapos ang buwan.
Siksik din sa sorpresa at kilig ang buwan ng mga puso sa iWantTFC sa pagdating ngayong Pebrero 10 ng original series na “Unloving U,” kung saan susuungin nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang mga hamon ng bawal na pag-ibig.
Saktong sakto ring pang-Valentine date ang muling pagsasasama nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa movie version ng “Hello Stranger,” ang most anticipated romantic Pinoy boys love movie ng taon, sa Pebrero 12.
Muli ring magpapakilig ang Taiwanese heartthrob na si Jerry Yan sa 2020 romantic comedy fantasy series na “Count Your Lucky Stars,” kung saan kasama niya si Shen Yue, ang gumanap na San Chai sa Chinese remake ng “Meteor Garden.”
Sa ngayon, patuloy na napapanood worldwide sa iWantTFC ang bagong original anthology series nitong “Horrorscope” at ang MayWard movie na “Princess Dayareese.” Nasusubaybayan din ang Thai series na “The Shipper” sa Pilipinas, at ang pelikulang “Belle Douleur” naman para sa subscribers sa labas ng Pilipinas.
Panoorin ang mga ito sa iWantTFC, ang tinaguriang “the home of Filipino stories,” at mag-download na ng app (iOs at Android). Pwede na ring manood ng iWantTFC sa mas malaking screen sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices, at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].