in

Andre Paras at Sef Cadayona, malapit nang mapanood sa ‘Game of the Gens’

Kaabang-abang ang tandem nina Andre Paras at Sef Cadayona bilang hosts ng upcoming game show na ‘Game of the Gens’ sa GMA News TV.

Excited na ang dalawa sa saya at impormasyon na hatid ng show kung saan ang mga maglalaro ay celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon.

“Hindi lang siya magiging game show. ‘Yung mga Kapuso natin na manonood, they will learn a lot. Like ako, born ’95 ako pero mahilig ako sa 60s, 70s music. ‘Yung iba naman mahilig sa fashion,” lahad ni Andre. 

Siniguro naman ni Sef na lahat ay mage-enjoy sa programa. Aniya, “Di ba may Boomers, may Millennials, Gen Z, Gen X. Very fortunate kami to host sa ganitong klase ng show na pagsasama-samahin namin sila.”

Abangan ang ‘Game of the Gens’ malapit na sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LoiNie series, Jerry Yan romcom, at ‘Hello Stranger’ movie, unang patikim ng iWantTFC ngayong 2021

Thea Tolentino, kakalabanin si Kelvin Miranda?