in

Kim de Leon at Lexi Gonzales, bibida sa first installment ng ‘My Fantastic Pag-ibig’

Cupid vs. dating app—ano ang mananaig pagdating sa pag-ibig? 

Ngayong 2021, abangan ang Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romcom series ng GMA Public Affairs na ‘My Fantastic Pag-ibig’ sa GMA News TV.

Sa unang installment nito na ‘Love Wars,’ nanganganib na magunaw ang mundo ng mga kupido dahil sa trending dating app na Matchmaker. Sa kagustuhang ma-rescue ang kanilang mundo, magpapanggap ang karakter ni Kim na si Pido bilang mortal at papasok bilang intern sa kumpanya ng dating app. Sa kanyang secret mission, makikilala niya si Lovelyn,  ang app developer na gagampanan ni Lexi. Pursigido si Lovelyn na lalong maging successful ang Matchmaker app.

Magtagumpay kaya si Pido sa kanyang misyon? Ano nga ba ang magagawa ng isang kupido sa growing trend of finding love in the digital age? 

Kaabang-abang na naman ang bagong program na ito. Abangan ang My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angelica Panganiban, nainggit sa halikan nina Arci Muñoz at Paulo Avelino sa ‘Walang Hanggang Paalam’

‘Bgyo’ handa nang sumabak sa international stage