Ngayong 2021, patuloy ang StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim De Leon sa pag-abot pa ng kaniyang mga pangarap. Isa raw sa goals niya this year ang makapag-release ng sarili niyang kanta at masimulan ang music career.

Nang makapanayam siya ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Kim na matagal na rin niyang pinapangarap ang pasukin ang music industry, “I’ve always wanted to produce or have a song, ‘yung magkaroon ako ng sariling single lang. Sana magawa ko ngayon or next year.”
Abala naman ngayon si Kim sa regular na pagpe-perform niya sa weekend variety program na ‘All-Out Sundays’ at parte rin siya ng “The Cray Crew” ang vlog-style online show na mapapanood sa YouTube comedy channel ng GMA Network na YouLOL tuwing Huwebes.