in

Jong Madaliday, pinasalamatan ng singer-songwriter na si Maximillian

Hindi makapaniwala ang Kapuso singer na si Jong Madaliday na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

Ang hit song ng foreign singer na “Beautiful Scars” kasi ang inawit ni Jong sa mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog. Komento ni Maximillian sa Facebook post ng The Clash alumnus, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.  

Sa ngayon, mayroon ng mahigit one million views ang nakakaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa YouTube channel ni Jong.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, handa na sa lock-in taping ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

‘Tawag Ng Tanghalan,’ madadagdagan ng Grand Finalist ngayong Linggo