in

Chef Jose Sarasola, natupad na ang pangarap na cooking show

Para sa Kapuso chef na si Jose Sarasola, dream come true ang mapabilang sa isang cooking show. Itinuturing niya itong magandang blessing sa pagpasok ng taong 2021.

Kasama si Iya Villania, parte si Chef Jose ng bagong cooking show ng GMA Network na ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’  Sa press conference ng programa, ibinahagi ni Chef Jose kung gaano siya ka-thankful para sa mga natatanggap na opportunity bilang Kapuso, “It’s been really a whirlwind year for me. Moving to the GMA family really opened a lot of doors for me. Nag-start siya sa ‘Unang Hirit,’ which I am still doing up to this day pa rin. Other brands have been coming in.”

Mapapanood ang Eat Well, Live Well. Stay Well. simula ngayong Biyernes, 11:20 a.m., sa GMA Network. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

JM Bales at KVN, umiskor ng viral hit sa kantang ‘Magandang Dilag’

LOOK: Maricris Garcia, isinilang na ang baby girl