Teens no more ang celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi!
Masayang sorpresa ang inihanda kagabi nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa pagsalubong sa 20th birthday ng kambal sa kanilang tirahan. Sa Instagram, ibinahagi ni Carmina ang ilang videos at photos ng kanilang selebrasyon, “Happy Happy Birthday to our super twins- @mavylegaspi @cassy We love you so much Best birthday gift ever! Thank you so much GOD! ”
Maganda ang pasok ng bagong taon para kina Mavy at Cassy dahil pareho silang magiging busy sa kanilang mga career!
Si Cassy ay kabilang sa upcoming romantic primetime series na “First Yaya” kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Samantala, si Mavy naman ay magiging parte ng youth comedy-gag-variety show na Flex na malapit na ring umere sa GMA News TV. Patuloy pa rin namang napapanood ang kambal sa All-Out Sundays tuwing Linggo.
Happy birthday, Mavy and Cassy!