Marami ang excited sa nalalapit na paglabas ng bagong Kapuso star na si Richard Yap sa comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo (January 10).
Kahit na kakapirma pa lang ni Richard sa Kapuso Network noong December 16, sumabak na agad ang aktor sa taping para sa kanyang first ever Kapuso project. Makakatambal dito ni Richard ang mahusay na aktres na si Eugene Domingo.
Sa Instagram ay pinasilip ni Eugene ang ilan sa kanilang kaabang-abang na eksena ni Richard, “Our very first fresh episode for 2021 with Richard Yap! Abangan this Sunday sa #DearUgePresents Jing, ang Bato!”
Bukod sa Dear Uge ay bibisitahin din ni Richard ang The Boobay and Tekla Show na bahagi ng kanyang plano na sumubok ng ibang genre bukod sa heavy drama kung saan siya nakilala.
Tutukan ang nakakaaliw na tambalan nina Richard at Eugene sa Dear Uge Presents: “Jing, ang Bato!” ngayong Linggo na, 2:45PM, sa GMA-7.