in

Ruru Madrid, naka-focus sa career at business ngayong 2021

Bukod sa paghahanda para sa biggest action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, papasukin din ni Kapuso actor Ruru Madrid ang shoe business ngayong 2021.

Ibinahagi ito ni Ruru sa interview sa GMANetwork.com, “Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko ‘yan! Kailangan mas magpursige ako rito sa ‘Lolong.’ Kung dati binibigay ko is 100% kailangan this time dodoblehin ko titriplehin ko pa. Ganu’n ako magiging dedicated sa trabaho.”

Isa rin sa kanyang New Year’s resolution ay ang panatilihing fit at healthy ang kanyang katawan. “Lagi ko sinasabi na next year dapat ma-reach ko na ‘yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako. So, uulitin ko lang ulit ‘yon kasi kahit papaano naman kahit hindi ko na-achieve totally ‘yung gusto ko [last year], kahit papaano may nangyayari naman.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, gustong sumabak sa international roles

Tambalang Eugene Domingo at Richard Yap, unang episode ng ‘Dear Uge’ ngayong 2021!