in

Fresh episodes ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa 2021, usap-usapan na online

Tila hindi na makahintay ang netizens sa muling pag-ere ng fresh episodes ng inaabangang GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara, Mylene Dizon, at Nora Aunor.

Sa inilabas na teaser ng programa, ipinasilip nila ang mga bagong eksenang hindi dapat palampasin ng Kapuso viewers sa darating na Enero. Agad na sinalubong ito ng positive feedback sa comments section.

Say ng netizens, mas naintriga sila dahil mas pinatindi raw ang mga kaganapan base sa close-up shots sa teaser kaya lalong mas nakakapanabik ito. Ang mga nasabing eksena ay kinunan sa nagdaan nilang lock-in taping sa San Mateo, Rizal.

Tutok lang sa GMA-7 para sa mga bago at magbabalik na shows sa pagsapit ng bagong taon!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Humanda na sa 2021! Kapuso stars, magpapasiklaban ngayong Bagong Taon!

Heart Evangelista, ibabalandra ang pagiging fashionista sa comeback teleserye