Mababalikan na ang episodes ng kinagiliwan nating GMA dramas sa ‘Kapuso Weekend Watchfest’ na makikita sa official Facebook page ng GMA Network.
Tuwing Biyernes, 3 pm, sampung bagong episodes ng ‘The Rich Man’s Daughter’ ang mapapanood in bite-sized clips. Pinagbibidahan ito nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na unang pinalabas noong 2015.
Sa parehong oras tuwing Saturday, mapapanood naman ang romantic drama series na ‘Someone To Watch over Me’ nina Tom Rodriguez, Lovi Poe, at Max Collins. At sa Linggo naman ang ‘Let the Love Begin’ na pinagbibidahan nina AiAi delas Alas, Gardo Versoza, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.
Bongga rin ang Kapuso Weekend Watchfest dahil mapapanood pa ang mga nasabing dramas na ito with English subtitles kaya naman kahit hindi Pinoy, pwede itong ma-enjoy! Kaya watch na sa www.facebook.com/GMANetwork!