in

Makasaysayan na ABS-CBN Christmas Special, iaalay para sa mga biktima ng bagyo

Isang kakaibang karanasan sa panonood ang ihahandog ng ABS-CBN sa mga Pilipino sa buong mundo bago mag-Pasko sa pagsasagawa nito ng ABS-CBN Christmas Special ngayong taon para makatulong sa mga lubos na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Mapapanood ang “Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special,” tampok ang Kapamilya stars at mga kwentong kapupulutan ng inspirasyon, ngayong Linggo (Disyembre 20) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z channel 11, TFC, iWantTFC, at KTX, at may backstage access din sa Kumu.

Makasaysayan ang ABS-CBN Christmas Special ngayong taon dahil sa unang pagkakataon, magkakaroon ng iba-ibang pre-show o programa ang Kumu, KTX, at iWantTFC mula 12 nn hanggang 7 pm bago ang main show sa 7:30 pm. Kanya-kanyang pakulo ang Kumu, KTX, at iWantTFC na talaga naman aabangan ng mga netizen.

Bukod pa dito, habang nanonood, maaari pang makatulong ang mga Pilipino sa mga kababayan nating nawalan ng tahanan at kabuhayan matapos ang matitinding kalamidad na tumama ngayon pang may pandemya. Magagawa ito sa pagpapadala ng virtual gifts sa Kumu, o kaya sa pagbili ng ticket sa KTX para sa Christmas Special sapagkat lahat ng ito ay ido-donate sa Tulong-Tulong sa Pag-Ahon public service campaign ng ABS-CBN Foundation – Sagip Kapamilya.

Abangan sa Kumu ang pre-show na pinamagatang “Kumukutitap ang Pasko” tampok ang “It’s Showtime,” FYE Channel, ABS-CBN News, at Jeepney TV mula 12 nn hanggang 5 pm, kasunod ang “Pinoy Big Brother” at Star Hunt ng 5 pm. May pasilip din ang Kumu sa mga ganap sa backstage ng Christmas Special simula 7 pm hanggang 10 pm.

Sa “KTnX ang Babait Ninyo: ABS-CBN Christmas Special Fundraising Show” naman ng KTX, maaaring pumili ang manonood sa tatlong tickets. Ang Gen Ad tickets na may halagang P199 ay bibigyan sila ng access sa pre-show tampok ang ilang mga P-pop at OPM artists sa 12 nn at 2:40 pm, at mga taga Star Magic at RISE Artists Studio sa 6 pm, kasunod ang main show. Ang kukuha naman ng VIP tickets, na nagkakahalaga ng P299, ay makakapanood din ng pre-show, main show, at may tsansang maging parte ng virtual audience ng Christmas Special. Panghuli, ang P499 ticket naman ay magbibigay access sa pre-show, main show, at virtual meet and greet sa isa sa mga P-Pop groups na ito: MNL 48, BINI, at SHA boys.

Aasahan naman ng iWantTFC subscribers ang “iWant ASAP” simula 11:45 am, kasunod ang mga handog ng ABS-CBN Films (2 pm), “Bagong Umaga” (3 pm), The Gold Squad (4:15 pm), at Dreamscape Entertainment (5:30 pm) sa kanilang “All I Want for Christmas (Ikaw Ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special Pre-Show).”

Para sa updates and highlights sa bawat pre-show at main show, pumunta sa ABS-CBN Entertainment website (ent.abs-cbn.com) o tumutok sa Kapamilya Online Live. Sundan din ang official ABS-CBN Facebook, Twitter, and Instagram accounts.

Abangan ang “Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special” ngayong Linggo (Disyembre 20). Magsisimula ang mga pre-show ng 12 nn hanggangl 7 pm sa Kumu, KTX, at iWantTFC, kasunod ang main show sa 7:30 pm na ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z channel 11, TFC, iWantTFC, at KTX, at may backstage access sa Kumu.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso stars and programs, nominado sa ‘Face of the Year’ 2020 sa Vietnam

Celebrity players, bawal mag-ingay sa ‘Walang Tunugan’ segment ng ‘It’s Showtime’