in

Kapuso stars and programs, nominado sa ‘Face of the Year’ 2020 sa Vietnam

Muling pinatunayan ng Kapuso Network na talagang pang-world class ang mga programa at artista nito matapos na muling ma-nominate sa ‘Face of the Year Awards’ sa Vietnam ngayong taon.

Nominado ang top-rating romantic comedy programs na Because of You, Juan Happy Love Story, at GMA adaptation ng hit Korean drama na My Love From the Star para sa Most Favorite Foreign Drama award.

Samantala, nominado rin ang lead actors at actresses mula sa naturang mga drama na sina Carla Abellana, Heart Evangelista, at Jennylyn Mercado para sa Most Favorite Foreign Actress award habang sina Rafael Rosell, Dennis Trillo, at Gil Cuerva naman para sa Most Favorite Foreign Actor award.

Ang ‘Face of the Year’ ay inorganisa ng Vietnam-based firm na International Media JS Company (IMC) at kinokonsiderang pinakamalaking event ng IMC sa buong taon.

Congratulations and good luck, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’ nina Snooky Serna at Maricel Soriano, mapapanood sa KTX.ph

Makasaysayan na ABS-CBN Christmas Special, iaalay para sa mga biktima ng bagyo