in

Ysabel Ortega, may bagong business venture

Parami na ng parami ang celebrities na sumusubok na sa pagne-negosyo lalo na habang naka-quarantine. Sa latest vlog ng Kapuso artist na si Ysabel Ortega, ibinahagi niya ang magiging bagong business venture ng kanilang pamilya na poultry farm and lemon plantation sa La Union. 

Excited na nagbigay ng mini tour si Ysabel, “I wanted to make this vlog because I wanted to give you guys a glimpse of what I’ve been doing every day. Staying here [in La Union] during the quarantine, mas lalo namin natutukan ‘yung businesses, especially ‘yung broiler house.”

Sa kabuuan, mayroon ng 3,000 lemon trees na naitanim sa kanilang lupa at naghahanda na rin silang mag-alaga ng 45,000 meat-type chickens para sa poultry farm. Panoorin ang whole tour ni Ysabel sa kaniyang YouTube channel!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sheena Halili, thankful sa safe delivery ni Baby Martina

‘Flex,’ newest comedy-gag-variety show sa GMA News TV!