in

Kelvin Miranda, nakakaramdam ng pressure sa pagiging leading man

Excited na may halong kaba ang nararamdaman ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kaniyang nalalapit na pagganap bilang leading man sa ‘The Lost Recipe,’ kung saan makakatambal niya si Mikee Quintos.

Sa recent interview niya sa GMANetwork.com, ikinuwento ni Kelvin na hindi niya maiwasang isipin kung magiging maganda ang pagtanggap sa kaniyang karakter, “Ang ikinakatakot ko po talaga ‘yung mga taong may ayaw po sa akin sa loob ng industriya na kahit ano pong gawin kong mabuti o maayos may nasasabi at nasasabi pa rin po sa akin.”

Bagama’t may pressure, sobrang grateful pa rin daw si Kelvin para sa ipinagkatiwalang role at ipinangako niyang ibibigay niya ang best niya para rito, “Kung ano man po ang makita nila, ‘yun ay tatanggapin ko. Hindi naman po ako perpekto at kung mangyari man na punahin nila ako, ako po ay magpapasalamat dahil may pagkakataon ako malaman ang mga pagkakamali ko.”

Abangan ang ‘The Lost Recipe’ sa GMA News TV, malapit na!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, Best TV Station sa ika-pitong pagkakataon sa Paragala Central Luzon Media Awards

JD Domagoso, aminadong close na kay Cassy Legaspi