in

JD Domagoso, aminadong close na kay Cassy Legaspi

Hindi pa man nagsisimulang sumabak sa eksena, nararamdaman na ng Kapuso actor na si JD Domagoso na magiging kumportable siya na maka-tambal si Cassy Legaspi sa upcoming GMA primetime series na ‘First Yaya.’

First time silang magkakapareha on-screen pero matagal naman na raw silang magkaibigan. Ayon kay JD, “May konting hiya rin naman lagi pero sa akin, we’re okay na eh, parang close na kami. I don’t think it’s going to be a problem because friendly na kami ni Cassy and once we realize na for our characters lang ‘to, tingin ko naman hindi ito magiging problem for us.”

Dagdag pa niya, naghahanda na siya para sa lock-in taping sa darating na January, “Reading the script, of course, there’s a material na gusto ni Direk na panoorin ko para may basis po ako sa anong pwede kong gawin for my character.”

Nakatakdang umere ang ‘First Yaya’ next year kaya tutok lang sa GMA para sa mga updates!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kelvin Miranda, nakakaramdam ng pressure sa pagiging leading man

Huling dalawang linggo ng ‘DOTS PH,’ kaabang-abang!