in

‘Flex,’ newest comedy-gag-variety show sa GMA News TV!

Mas magiging exciting ang weekend nights simula 2021 dahil may bagong barkada na aabangan ang Gen Zs sa GMA News TV!

Makisaya sa newest weekend comedy-gag-variety show na ‘FLEX’ kung saan ibibida ang galing at talento ng Kapuso teen stars na pangungunahan ng Flex Leaders na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, at Althea Ablan.

Every week, may walong Gen Z artists na ipapamalas ang kanilang husay sa pamamagitan ng musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

Ito na rin ang chance para sa fans ng Kapuso teen stars na maka-interact ang kanilang idolo sa isang interactive game segment kung saan makakalaro nila ang Flex Leaders at ilang celebrity guests.

Bukod pa riyan, abangan din ang launch ng official fan base ng Flex na ‘Flex Squad’ kung saan eksklusibong mapapanood ng mga miyembro ang videos mula sa kanilang paboritong celebrities, makisaya nang live sa studio, at marami pang iba.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ysabel Ortega, may bagong business venture

ABS-CBN, Best TV Station sa ika-pitong pagkakataon sa Paragala Central Luzon Media Awards