in

Jeric Gonzales at Sheryl Cruz, nagpainit sa kanilang behind-the-scenes photos

Lalong na-excite ang Kapuso viewers sa pagbabalik ng GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ sa behind-the-scenes photos ng mga bidang sina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz mula sa kanilang lock-in taping.

Sa Instagram post ni Sheryl ay makikita ang pasilip sa isa na namang intimate na eksena sa soap.

Ikinuwento rin ng aktres sa nakaraang interview sa GMANetwork.com kung paano niya pinaghandaan ang ilang maiinit na eksena sa Magkaagaw. Aniya, “Abangan natin ‘yang lahat. But you know, in all respect with the creativity and the creative writing of our writers in GMA-7, they stayed true naman to the plot of Magkaagaw and sa totoo lang mas naging daring. Pumupunta siya sa mas pa-daring na scenes kaya ‘yun dapat ang abangan nila.”

Hindi na makapaghintay ang fans sa muling pagpapainit ng mga karakter nina Jio at Veron sa hapon. Malapit na malapit ‘yan kaya tutok lang sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Umapaw ang kilig at saya sa Alden’s Reality concert

Kapuso stars, makikisaya sa Lazada 12.12 Super Show!