in

LOOK: Cast ng ‘Legal Wives,’ pasabog ang behind-the-scenes photos

Sumabak na sa lock-in taping nitong Disyembre 1 ang cast ng inaabangang Kapuso series na Legal Wives. 

Tunay na kaabang-abang ang naturang cultural drama series. Bukod kasi sa bigating Kapuso stars na bibida rito, kapansin-pansin din sa inilabas na behind-the-scenes photos na talaga namang pinaghahandaan ang bawat detalye sa serye. 

Sa photos mula sa kanilang lock-in taping, makikitang ang tatlong naggagandahang Kapuso aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali na nakasuot ng pangkasal. Kasama rin nila si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gaganap bilang kanilang asawa.

Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca) dahil sa magkakaibang rason.

Mula sa direksyon ni Zig Dulay, kasama rin sa Legal Wives ang beteranang aktres na si Cherie Gil, Shayne Sava at Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo at Irma Adlawan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aicelle Santos, ipinakilala na si Baby Zandrine Anne

‘Bawal Lumabas’ series ni Kim Chiu, magbibigay ng saya sa buong pamilya ngayong Pasko