Bawal ang malungkot at bawal ang mag-isa sa panonood ng pampamilyang kwentong handog ng iWantTFC ngayong Kapaskuhan sa original series na “Bawal Lumabas: The Series,” tampok ang millennial multimedia idol na si Kim Chiu. Magbibigay ito ng ligaya at aantig sa puso ng mga manonood sa iWantTFC simula Disyembre 14.
Makaka-relate ang marami sa kwento ni Emerald (Kim), isang overseas worker na nakapagtrabaho na sa iba’t ibang bansa para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil ulila na silang magkakapatid, ibang klase ang dedikasyon niya sa trabaho dahil sa kagustuhang matupad ang pangarap ng mga namayapa nilang magulang para sa kanilang pamilya.
Matapos ma-expire ang kontrata sa huli niyang trabaho, uuwi sa Pilipinas si Emerald para makasama ang kanyang mga kapatid na sina Onyx (Paulo Angeles), Ruby (Trina Legaspi), at Jade (Francine Diaz) ngayong Pasko.
Ngunit sa tagal niyang nawalay sa kanila, mahihirapan si Jade na pakisamahan ang mga kapatid, lalong lalo na ang rebeldeng si Jade, dahil tila malayo na ang loob sa kanya nito.
Dahil dito, susubukin ni Emerald na mapalapit kay Jade at magiging classmate nito. Bukod sa hirap na siyang makuha ang loob ng kapatid, mas magiging kumplikado rin ang sitwasyon dahil ang teacher pala nila ay ang kanyang ex-boyfriend na si Jonjon (Rafael Rosell).
Sa pagpipilit ng kanyang sarili at pakikialam sa buhay ni Jade, lalo lamang iigting ang tensyon sa pagitan ng magkapatid at madadamay pa pati ang relasyon ni Emerald kina Onyx at Ruby.
Maaayos ba ng magkakapatid ang kanilang relasyon? Pagsisihan kaya ni Emerald ang kanyang pag-uwi?
Ang family dramedy na ito ay idinirek ni Benedict Mique at tampok din sa serye ang hit song ni Kim na “Bawal Lumabas,” na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo. Available na rin ang Christmas remix ng “Bawal Lumabas” song ni Kim sa iba’t ibang music streaming platforms.
Mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Bawal Lumabas: The Series” simula Disyembre 14 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas araw-araw tuwing 6 PM hanggang Disyembre 19.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].