in

John Estrada, may quick tour sa lock-in taping ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Isinama ni John Estrada ang kanyang Instagram followers sa isang quick tour sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Sa video na ibinahagi ng aktor nitong Miyerkules, ipinasilip niya ang lugar kung saan sila kasalukuyang nakatira sa Batangas. Bago sumabak sa eksena, ikinuwento rin ng aktor ang ginagawa niyang exercise gaya ng pagtakbo.

Ayon pa kay John, challenging daw ang pagte-taping ng serye pero naiibsan ito dahil sa pag-aalaga sa kanila ng show at ng Kapuso Network.

“But seriously I really want to thank GMA especially the staff of Babawiin Ko Ang Lahat. Dahil medyo napakakumportable namin at sa amin po napakalaking bagay ng comfort dahil araw-araw kami nagta-trabaho. Sobrang draining, sobrang nakakapagod, so thank you GMA for this,” aniya.

Makakasama ni John sa Babawiin Ko Ang Lahat sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Dave Bornea, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, Kristoffer Martin, at ang lead actress na si Pauline Mendoza.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, waging Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan

Ganda ng Maynila, itatampok sa ‘The Lost Recipe’