in

Jillian Ward, overwhelmed sa mabilis na pagtaas ng social media followers

Hindi raw inasahan ng Prima Donnas star na si Jillian Ward ang mabilis na pagdami ng kaniyang social media followers. May mahigit 6 million followers na siya sa kanyang official Facebook page, 2 million sa Instagram, at higit 500,000 sa TikTok.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng teen actress ang kaniyang tuwa sa mga walang sawang sumusubaybay sa kaniyang career, “Ine-expect ko lang po is lagi kong gagalingan pero hindi ko po ine-expect ‘yung gaano po kadami ‘yung followers na mage-gain ko, or ano po ‘yung magiging ratings po namin.”

Pinagpapasalamat din daw niya ang lahat ng nakukuhang blessings lalo na ngayong may pandemic. “Kumbaga, lahat ‘to, parang surprises po ni God. Laging hindi po ako prepared sa mga binibigay niyang super big blessing sa amin so lagi po akong nagugulat.”

Samantala, napapanood mula Lunes hanggang Biyernes si Jillian sa fresh episodes ng afternoon serye na Prima Donnas, kung saan kasama niya sina Althea Ablan at Elijah Alejo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, makakasama rin sina Rodjun at Rayver Cruz sa ‘Alden’s Reality’

Andrea Torres at Juancho Triviño, tampok sa fresh episode ng ‘#MPK’