in

20th anniversary special ng ‘Imbestigador,’ sesentro kay Mike Enriquez

Extra special ang episode sa Sabado (November 28) ng Imbestigador para sa 20th anniversary nito, dahil mismong ang “Imbestigador ng Bayan” na si Mike Enriquez ang bibida sa longest-running investigative program.

Sa natatanging pagganap ni Rocco Nacino, mapapanood sa anniversary episode na ito kung paano naging bahagi ng broadcast industry si Mike na halos 50 years na rin pala sa industriya.

Sa loob ng dalawang dekada, marami nang natulungan ang Imbestigador. Patuloy ring kinikilala ang programa bilang isa sa top-rating shows ng GMA Public Affairs. Isa rin ito sa mga TV show na may malaking presence sa social media.

“Ang Imbestigador hindi ako, ang Imbestigador ay kung ano ang ginagawa ng programa,” pagbabahagi ni Mike. “Sa tingin ng mga tao, sa pagtanggap ng mga tao, ang Imbestigador ay may naitutulong sa buhay nila, kaya hanggang ngayon nandito pa ang Imbestigador,” dagdag pa niya.

Bukod kay Rocco, mapapanuod din sa “Imbestigador ng Bayan” episode sina Gina Alajar at Nonie Buencamino. Ngayong Sabado na ang anniversary special na ito, 4:45 p.m., pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, handog sa Pilipino ang lyric video ng ‘Ikaw Ang Liwanag at Ligaya’ Christmas ID

Alden Richards, makakasama rin sina Rodjun at Rayver Cruz sa ‘Alden’s Reality’