in

Willie Revillame, tutuparin ang Christmas wish ng ‘Wowowin’ viewers

Mag-a-a la Santa Claus ngayong Kapaskuhan ang Wowowin host na si Willie Revillame. 

Nitong Martes (November 24), ibinalita ni Willie sa kanyang programa na tutuparin niya ang mga Christmas wish ng kanyang mga matatawagan sa ‘Tutok to Win’ upang mas maipadama sa ating mga kababayan ang diwa ng Pasko. 

Aniya, “Magkakaroon tayo dito ng portion, ‘yung ‘Christmas Wish’ dahil [darating] itong Pasko. Tatanungin ko ‘yung wishes ninyo, baka kayang ibigay, ‘di ba? Titingnan ho natin, basta sa abot-kaya po ng programang ito. ‘Yung mga wish ninyo nitong Christmas, ipagkakaloob namin basta kaya po namin. ‘Yun namang hindi po sobra, tama lang. Basta gagawa tayo ng paraan.”

Kaya naman huwag nang magpahuli at tumutok lagi sa Wowowin, weekdays, sa GMA-7 at sa official verified social media accounts ng programa. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso cutie Gab Yabut, gustong mag-produce ng sariling rap single

Ashley Ortega, may bagong online business