in

Ang daming bago! ‘Init Sa Magdamag,’ bagong ‘MMK’ episodes, at Gold Squad Show, mapapanood sa ABS-CBN Platforms at A2Z Channel

Mga bagong teleseryeng “Init sa Magdamag” at “Huwag Kang Mangamba” pati bagong episodes ng “MMK” ang pinakabagong handog ng ABS-CBN sa patuloy nitong pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino sa iba’t ibang platforms sa telebisyon at online.

Bibida sa “Init sa Magdamag” sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion samantalang isa naman ang “Huwag Kang Mangamba” sa marami pang ihahandang sorpresa ng The Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Makaka-relate din ang mga manonood sa bagong episodes ng “MMK” tampok ang mga kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.

Mapapanood ang mga ito sa iba’t ibang platforms gaya ng cable at satellite sa Kapamilya Channel, sa free at digital TV sa A2Z channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa iWantTFC streaming service, at sa iba’t ibang bansa sa The Filipino Channel.

Dahil available sa mas maraming platforms, makakapili ang mga manonood kung saan at kailan nila mapapanood ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” at “Paano Kita Mapasasalamatan,” “Iba ‘Yan,” at “I Can See Your Voice.”

Live ding nakakasama ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga tahanan ang “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” at “ASAP Natin ‘To.”

Panoorin ang ABS-CBN shows na ito sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin sila sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Myrtle Sarrosa, miss nang mag-perform sa harap ng fans

ABS-CBN, handog sa Pilipino ang lyric video ng ‘Ikaw Ang Liwanag at Ligaya’ Christmas ID