in

Will Ashley at Kim de Leon, makikisaya sa ‘Mars Pa More’

Literal na ‘fresh’ ang fresh episode ng Mars Pa More ngayong Huwebes (Nobyembre 26) dahil makikisaya ang Kapuso teen stars na sina Will Ashley at Kim de Leon.

Dadalhin ni StarStruck Ultimate Survivor Kim de Leon ang viewers sa isang enjoy na biking tour at nakakabusog na food trip sa kanyang hometown sa Balayan, Batangas.

Samantala, ibibida naman ng Prima Donnas star na si Will Ashley ang kanyang astig dance moves na natutunan sa gitna ng quarantine.
‘Di rin dapat palampasin ang recent activities ng Mars Pa More hosts – ang ‘glamping’ site ng resort nila Camille Prats at ang daily activities sa bahay ni Iya Villania.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dennis Trillo, hanga sa gagampanang karakter sa ‘Legal Wives’

Handa na sila! 14 aspiring housemates sa ‘PBB Connect,’ byaheng pa-Manila na