in

‘StarStruck’ alumni, bida sa bagong ‘YouLOL’ show na ‘The Cray Crew’

Bubuhos ang kilig at saya sa pinakabagong kahuhumalingang programa na ‘The Cray Crew’ sa Kapuso comedy channel na ‘YouLOL’ simula ngayong Huwebes (Nobyembre 26).

Tiyak na exciting at ‘lit’ ang bawat episodes na hatid ng ‘The Cray Crew’ hosts and future Kapuso heartthrobs na sina Kim de Leon, Radson Flores, Abdul Raman, at Allen Ansay.

Sina Kim, Radson, Abdul at Allen ay produkto ng StarStruck taong 2019.

Tuwing Huwebes, sundan ang freshest all-boy group ng ‘The Cray Crew’ kung saan iba-vlog nila ang iba’t ibang internet trends, challenges, pranks, games, at iba pa mula sa kani-kanilang tahanan.

‘Wag palampasin ang exciting first episode ng ‘The Cray Crew’ simula ngayong Huwebes na sa Kapuso comedy YouTube channel na YouLOL!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alice Dixson, excited na sa role bilang isang Muslim sa ‘Legal Wives’

Heart Evangelista, isa sa Top 10 Luxury Influencers ng Forbes France