in

‘The Lost Recipe,’ simula na ang lock-in taping

Kasalukuyang nasa lock-in taping na ngayon ang cast at crew ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

Kahit taping under the ‘new normal’ ang TV production, handang-handa naman ang mga bida ng serye na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa kanilang pagganap bilang young culinary professionals.

Dapat ding pakatutukan ang mga karakter ng mga kasama nila sa serye na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, Crystal Paras, at si Chef Anton Amoncio.

Anu-ano kaya ang mga masasarap na putahe at naiibang kwentong ihahain ng The Lost Recipe? Abangan ‘yan soon sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Hanggang Saan’ ng ABS-CBN, isa nang serye sa Turkey

Gabby Concepcion, excited makatrabaho si Sanya Lopez