in

Jeremiah Tiangco, natupad ang pangarap na makasama sa Station ID

Bago pa man siya manalong grand champion ng ‘The Clash’ Season 2, matagal nang pinapangarap ng Kapuso performer na si Jeremiah Tiangco ang umawit sa Christmas Station ID ng GMA Network. Kaya naman umaapaw ang saya niya nang sa wakas ay natupad na niya ito sa “Isang Puso Ngayong Pasko.”

Nakasama ni Jeremiah sa pagkanta rito ang The Clash judges at hosts na sina Christian Bautista, Aiai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Golden Cañedo, at iba pang The Clash alumni.

Sa isang Instagram post, inihayag ni Jeremiah ang kanyang pasasalamat, “Thank you @gmanetwork @artistcenter for this wonderful experience. Parang dati pinapangarap ko lang na makasama sa isang Station ID. Dati, pinapraktis ko lang songs nila para gamitin sa caroling. Hahaha! Ngayon totoo na talaga ‘to!”

Kasalukuyang napapanood si Jeremiah sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays.’ Mapapakinggan din ang kaniyang first-ever single under GMA Music na ’Titulo’ sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ferds Recio at Nielsen Donato, may special episode para sa ‘Born to be Wild’

Arra San Agustin, nakapag-reflect ngayong quarantine