in

Heart Evangelista, maghahatid ng inspirasyon sa isang global event

Parte ng bigating line-up ng speakers ang Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa gaganaping Global Town Hall session na ‘Light at the End of 2020: What Worries Me, What Give Me Hope,’ bukas, November 20.

Ang event na ito, na may temang “Rebuilding From The COVID-19 World,” ay inorganisa ng grupo ng mga respetadong political/economic experts mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Australia, France, India, Indonesia, Mexico, Russia, United Kingdom, at United States.

Samahan si Heart sa kaniyang pagbabahagi ng mensahe ng pag-asa para sa mga manonood mula sa sariling niyang mga karanasan ngayong quarantine. Siya ang kaisa-isang Filipino celebrity na magiging parte ng makahulugang event na ito.

Bukas para sa lahat at libre ito kaya kumuha na ng sariling streaming pass sa www.gth2020.com!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Anna Vicente, gaganap na kontrabida sa bagong RitKen series

Jason Abalos, may ‘The Clean Water Project’ para sa Cagayan at Isabela