in

‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ balik-telebisyon na!

Tiyak na masaya ang loyal viewers ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa pagbabalik-telebisyon nito ngayong Disyembre sa GMA Afternoon Prime.

Matutunghayan nang muli ang madamdamin at nakakaantig sa pusong kwento ng mag-iinang inapi at maghihiganti sa angkang nagdulot sa kanila ng hirap at pighati.

Noong nakaraang buwan ay sumabak sa 23-day lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pinangungunahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Nora Aunor. Kasama rin nila sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta, Candy Pangilinan, at Divina Valencia.

Pagbabahagi ni Kyline, hindi raw dapat palampasin ang mabibigat na eksena sa fresh episodes ng afternoon series. “Every week, iba’t iba ‘yung pasabog ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ at mabibigat. ‘Yun ‘yung isa sa mga challenge na sinabi naman sa amin ni Direk.”

Tutukan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit ngayong Disyembre na sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza at Jak Roberto, magkasama sa endorsement project

Lovi Poe at Benjamin Alves, sumabak na sa lock-in taping para sa ‘Owe My Love’