in

Anna Vicente, gaganap na kontrabida sa bagong RitKen series

May bagong kontrabida na aabangan sa Kapuso Network!

Ang Kapuso actress na si Anna Vicente ang napiling gumanap bilang kontrabida sa upcoming series nina Rita Daniela at Ken Chan na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Kuwento ng Kapuso actress, malaki raw ang pagkakaiba ng karakter niya sa serye kumpara sa totoong buhay. “Yung character ko si Beatriz, parang medyo malayo siya, e. Strong personality siya, so, parang medyo malaking preparation. We’re going to have series of workshops din for the role.”

At dahil kontrabida ang gagampanang role, nakahanda raw si Anna sa matatanggap niyang kritisismo mula sa viewers. “Kasama naman talaga ‘yan when you’re the villain pero siyempre ako mismo super fan ako ng RitKen, so, sana peace ‘yung bashers po.”

Dagdag pa ni Anna ay excited siyang makatrabaho ang RitKen sa bagong GMA series, “I’m so excited to work with them ’cause si Rita is my schoolmate tapos si Ken Chan, nakasama ko siya sa before sa ‘Tween Academy.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘My Korean Jagiya,’ isa sa pinaka-memorable na experience ni Alexander Lee

Heart Evangelista, maghahatid ng inspirasyon sa isang global event