in

‘Sad Songs’ ni Lesha, kinagat ng mga taga-Southeast Asia

Pinatunayan ng singer-songwriter na si Lesha na isa siyang papausbong na hitmaker sa panibagong tagumpay ng single niya na “sad songs,” na napasama sa New Music Friday playlists ng Spotify sa iba’t ibang parte ng East at Southeast Asia noong ini-release ito.

“Ang dami kong natatanggap na pagmamahal sa kanta! Nakakagulat kasi maraming nakaka-relate sa lyrics tapos meron pa akong natanggap na messages na mga umiiyak na fans,” ani Lesha nang tanungin tungkol sa positive feedback sa bago niyang kanta.

Pagkatapos ng tagumpay ng debut single niyang “Ciao, Bella,” umarangkada rin ang “sad songs” at naitampok sa New Music Friday editorial playlists ng Spotify sa Pilipinas, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Taiwan, Thailand, at Vietnam noong i-release ito.

Mapapanood na rin ang music video ng kanta kung saan kasama ni Lesha ang matalik niyang kaibigan at “Oh Mando!” star na si Alex Diaz.

“Meron din akong sorpresa para sa lahat sa December 4,” patikim ni Lesha.

Bukod sa mga solo single niyang “sad songs” at “Ciao, Bella,” isa rin si Lesha sa mga babaeng Southeast Asian artists na nagsama-sama para awitin ang “HEAL” mula sa ABS-CBN Music International, para sa “Pantawid ng Pag-ibig.”

Pakinggan ang “sad songs” ni Lesha sa iba’t ibang digital music services, at abangan ang kanyang upcoming release ngayong Disyembre. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jasmine Curtis-Smith, personal na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo

GMA Christmas Station ID, trending: 1 million views agad sa Facebook!