in

Duet nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela, pinusuan ng netizens!

Certified trending ang matagal nang nire-request ng fans na duet performance nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa The Clash!

Nitong weekend, binigyan nila ng jazz na twist ang holiday song ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You,” kung saan complete with flapper dresses ang suot nila. Sey ng isang netizen, “Total performers indeed! JulieRit did a great job! Just amazing!”

Samantala, pahigpit nang pahigpit ang laban sa pagpapakilala ng Top 12 Clashers na sina Jessica Villarubin, Renz Robosa, Princess Vire, Jennie Gabriel, Cholo Bismonte, Sheemee Buenaobra, Fritzie Magpoc, Niña Holmes, Yuri Javier, Larnie Cayabyab, Audrey Mortilla, at Shannen Montero. Sino kaya sa kanila ang susunod na tatanghaling Grand Champion?

Subaybayan ang mainit na laban sa The Clash, every Saturday (7:15 p.m.) and Sunday (7:45 p.m.) sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa Rizal kasama ang Philippine Navy at Philippine Marine Corps

Jasmine Curtis-Smith, personal na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo