in

David Licauco, ido-donate ang kita ng online business sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses

Kabilang ang Kapuso actor na si David Licauco sa celebrities na nagpa-abot ng tulong sa mga residenteng higit na nasalanta ng hagupit ng Typhoon Ulysses. Gamit ang kaniyang online business na As Nature Intended, nangako siyang ido-donate ang buong kinita nito mula Nobyembre 14 hanggang 15 para sa relief efforts.

Inanunsyo ito ni David sa kaniyang Instagram account at inenganyo rin ang mga netizen na tumulong sa kanilang sariling paraan, “We pledge 100% of our profit this weekend to those affected by Typhoon Ulysses. Our brothers and sisters need our help now more than ever. We believe that a little help goes a long way.”

Samantala, nananatiling bukas ang ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais magbigay ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng mga nagdaang bagyo. Para sa mga donasyon, bisitahin lamang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiai Delas Alas, namigay ng relief goods sa Marikina

Alden Richards, nag-livestream para makatulong sa typhoon victims