in

Chariz Solomon, saludo sa security at maintenance personnel na naka-duty noong bagyo

Nagbigay-pugay ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa mga security guard at maintenance personnel na tuluy-tuloy ang trabaho sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Post ni Chariz sa Instagram, “Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak panrin). Tapos mas inuna pa nila i-relocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila.”

Dagdag pa ni Chariz, “Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sa kanila. Alam kong trabaho nila ito pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano. Kindness above all talaga. Thank God for them!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiko Melendez, may hatid na aral sa viewers ng ‘Prima Donnas’

Joaquin Domagoso, kinikilig kay Cassy Legaspi?