in

‘Dining in the new normal’ sa pop na pop na comeback ng Pop Talk!

Tiyak na matutuwa ang mga sabik nang mag-food trip dahil ngayong Sabado, ie-explore ni Kuya Tonipet Gaba, kasama sina Bianca Umali at food consultant Chef Mira Angeles, ang tatlong restaurants sa Scout Area, Quezon City, sa pagbabalik ng paboritong review show ng bayan na ‘Pop Talk!’

Unti-unti nang tumatanggap ang mga restaurant ng dine-in customers. At pwede ring magpa-deliver na muna ng food para sa mga gustong nasa bahay lang muna. Pop kaya o flop sa dine-in at food delivery ang Filipino and Asian cuisine ng Pandan Asian Cafe, Spanish restaurant na Ponce, at ang homey restaurant and bar na Delgado 112?

Sabay-sabay nating alamin sa ‘Pop Talk: Scout Area Restos’ ngayong Sabado, November 14, sa bago nitong timeslot na 6:15 p.m. sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘PBB’ Ex-Housemates, nagsanib-pwersa para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly

Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese, proud delivery boys na rin!