in

Cast ng ‘The Lost Recipe,’ naghahanda na sa lock-in taping

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe para sa kanilang nalalapit na lock-in taping.

Nitong November 8 ay nagsama-sama at nag-bonding ang ilang cast ng The Lost Recipe na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Prince Clemente kasama si Chef Anton Amoncio.

Ang Food Hero Asia 2016 winner na si Chef Anton ang nagsisilbing consultant para sa naturang series at isa rin sa kanilang co-actors.

Sa Sunday bonding ng cast ay nagkaroon sila ng kitchen tour kung saan sila magti-taping para sa The Lost Recipe. Sumabak din sila sa iba’t ibang cooking process at nag-observe sa location para paghandaan ang kanilang mga eksena.

Bago ang kanilang kitchen tour ay nagkaroon na rin ng kitchen training ang cast kasama sina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.

Abangan ang naiibang kwento ng ‘The Lost Recipe’ soon sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong episode ng ‘Prima Donnas,’ tinutukan!

GMA Kapuso Foundation, walang tigil ang Serbisyong Totoo