in

KIKX, handog ang ‘After Dark ‘Final Hour’’ ep sa ika-10 taon sa music industry

Naglabas ang songwriter-producer na si Kiko “KIKX” Salazar ng bagong EP na pinamagatang “After Dark ‘Final Hour,’” tampok ang apat na kanta na naglalahad ng kanyang puso bilang isang musikero para sa selebrasyon ng kanyang ika-10 anibersaryo sa industriya.

Kasama sa koleksyon ang “Hindi Na Nga” ni Sam Mangubat, “Sa Aking Mundo” ni Lance Busa, “TLC” na kolaborasyon niya kasama si Kyla, at ang midnite remix ng “Diyan Ba Sa Langit” na inawit nina Morissette at Jason Dy, na aniya’y mga kanta na naiiba sa mga lumalabas na tunog ngayon.

“Kahit maikli ‘yung 10 taon, naging makabuluhang panahon ito para makilala ko nang paulit-ulit ‘yung industriya. Talagang kinailangan ko ng oras para i-consider ‘to na maging career ko,” ani KIKX, na inalala kung paanong ang takot at mga insecurity niya ay naging dahilan para pagdudahan niya ang kanyang sarili.

Pero ito rin ang nagturo sa kanya na hayaan ang sarili na mabigo at yakapin ang mga tao na laging nandyan para sa kanya. “Hindi naman pala ganun kadilim ‘yung journey, para pala siyang paglalakad sa gabi habang puno ng bituin ang langit.”

Dagdag ng magaling na composer, bawat kanta sa “After Dark ‘Final Hour” EP ay naglalayong ipaalala kung saan siya nagsimula at magbigay-pugay sa kanyang mga idolo sa musika gaya nina Mariah Carey, Babyface, Brian McKnight, at iba pa.

“Kasama ng mga napaka-talentadong artists at mga kaibigan ko, ito na ang unang parte ng mga naipon ko sa paglalakbay ko, sana samahan niyo pa ako sa journey ko,” sabi niya. “This is my music. This is my art. This is what kept me alive.”

Mapapakinggan na ang “After Dark ‘Final Hour’” EP ni KIKX sa Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer, Amazon Music, at iba pang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Korean food and culture, tampok ngayong Sabado sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Kilig at katatawanan sa ‘Oh, Mando’ patok sa iWantTFC viewers, next episode inaabangan na