Handa na ba kayong maharana ng nag-iisang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kaniyang virtual reality concert sa December 8? Paniguradong kilig vibes ang hatid ng Kapuso star sa kaniyang fans!

Bukod sa inihandang world-class performances ni Alden, may mga bigatin din siyang surprise guests sa espesyal na gabing ito. Balita nga namin ay makakasama niya ang isa sa mga pinaka-patok at pinakikinggang banda ngayon sa Pilipinas.
Almost sold out na ang tickets para sa ‘Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert’ kaya sa mga hindi pa nakakabili, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy.







