in

Julie Anne San Jose, may bagong hugot song

Maaari nang mapakinggan at ma-download sa digital platforms ang newest single ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose – ang “Try Love Again.”

“It’s a love song, it’s a hugot song. Medyo acoustic-ish ‘yung vibe n’ya and then soulful, I guess. Mas soul siya kaysa do’n sa mga nakaraan, soulful siya na parang R&B, acoustic, chill gano’n,” ani Julie sa interview ng GMANetwork.com.

Tiyak din daw na makaka-relate sa kanta ang mga brokenhearted na gustong magsimula muli.

Ayon pa sa Clash Master, “Ang message ng song is lahat naman tayo dumadaan sa hardships. Lahat naman tayo ay may heartaches na napagdadaanan. But if you open your heart again, you can try to love again and be open to possiblities kasi ang pagmamahal and’yan lang naman sa paligid natin. So minsan kahit ‘di natin hinahanap, kusa na lang s’yang dumarating sa ‘yo.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Awiting ‘Sana Ngayong Pasko,’ ibinabalik ni Lian Kyla

Aicelle Santos, ready na ang name ng baby girl!