in

‘Bini’ ng Star Hunt Academy, makikipagtagisan sa P-Pop

Mabubay na namang muli ang P-Pop music scene dahil isang bagong all-girl group ang ipinakikilala ng Star Hunt Academy – ang BINI.

Walong modern Filipinas na may anking husay sa pag-awit at pag-sayaw ang napili ng Star Hunt Academy para buuin ang rookie girl group.

Ang mga miyembro ng BINI ay sina: Aiah (19), Colet (18), Maloi (18), Gwen (17), Stacey (17), Mikha (16), Jhoanna (16) and Sheena (16).

Sila ay nag-train sa ilalim ng pagtuturo ng voice coaches na sina Kitchy Molina at Anna Graham at Austrian-born dance coach na si Mickey Perz. Maliban dito, walang iba kundi ang MU Doctor, isang South Korean training group na nakilala sa pag-hubog sa international performers tulad nina Mino (WINNER), Hye-bin (Momoland), Hyojung (Oh My Girl), I.M (Monsta X), Changbin (Stray Kids), at Kim Sohee (Produce 101) ang nag-train sa BINI.

Original at classic Pinoy song revivals ang dapat abangan sa BINI, ayon kay Star Hunt Management head Laurenti Dyogi.

Para sa kanilang pre-debut single, ang komposisyon ng National Artist na si Ryan Cayabyab at Smokey Mountain classic na “Da Coconut Nut” ang kanilang rinemake bilang isang dance song. Mapapakinggan ito sa YouTube channel ng BINI.

Nagtulungan naman ang MU Doctor at Korean musical producer VO3E para i-prodyus ang “Da Coconut Nut” na maging dance song. Ang Korean dance coaches na sina Moon Yeon Joo at Kwan Seong Chan, na nakapagtrabaho na kasama ang mga sikat na groups tulad ng BTS, Twice, Red Velvet, at Seventeen, ang tumulong gumawa ng choreography ng music video.

Kaabang-abang ang music video nito na mapapanood sa Nobyembre 20 sa BINI TV dahil makikita dito ang husay ng grupo sa pagsayaw.

Sundan sila sa BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, may hatid na good vibes sa ‘Daddy’s Gurl’

Team Yey handog ang ‘Sunday Funday’ sa mga bata simula Nobyembre 8