in

Bagong episodes ng ‘Descendants of the Sun,’ inaabangan na!

Ngayong Huwebes (Nobyembre 5) na mapapanood ang pinakaaabangang pagpapatuloy ng kuwento ng “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation!” sa GMA Telebabad.

Matapos ang walong araw na recap, all-new episodes na muli ang mapapanood ng Kapuso viewers sa primetime series.

Sa Twitter, nagpahayag ang netizens ng excitement sa mga bagong handog ng internationally-acclaimed drama. Mainit ang takbo ng kuwento kung saan paalis na sana ng Urdan ang medical team ngunit tumama ang malakas na lindol kaya’t kinailangan nilang bumalik.

Pinagbibidahan ito nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang si Big Boss at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang si Beauty. Kasama rin nila rito sina Rocco Nacino bilang si Technical Sergeant Diego Ramos at Jasmine Curtis-Smith as Captain Moira Defensor.

Patuloy na subaybayan ang “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” weeknights pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kokoy de Santos, malilito ang puso kina Barbie Imperial at Alex Diaz sa ‘Oh, Mando’ ng iWant TFC

Luis Hontiveros, grateful sa pagiging Kapuso